Sa panahon ngayon, masasabi nating marami na ang mga nakikipag-asawa sa murang edad at hindi ito naaayon sa mga matatanda. Ang pag-aasawa ay isang hudyat na kung saan handa ka ng humawak ng mas malaking responsibilidad.
Mga paraan upang maiwasan ang maagang pag-aasawa:
1. Gumawa ng isang talaan ng mga plano sa buhay.
2. Ituon lamang ang pansin sa pangarap.
3. Kung mayroon ka mang kasintahan, kausapin mo ito at magkwento ka tungkol sa mga plano mo sa buhay nang sa gayon ay maiwaksi sa kaniyang isipan ang tungkol sa pag-aasawa ng maaga o pagtatanan kung ito man ang kaniyang iniisip.
4. Magtanong o makipagkwentuhan sa magulang tungkol sa pag-aasawa upang magkaroon ng ideya sa pag-aasawa na hindi ito madali.
5. Isipin mo ang mga posibilidad na pwedeng kahihinatnan ng pag-aasawa ng wala sa oras nang sa gayon, maaga pa lamang ay mamulat ka na.
Ang pag-aasawa ay hindi madali tulad ng iniisip ng iba. Hindi rin ito puro pasarap lamang kundi, ito ay may kaakibat na hirap. Ang pag-aasawa ay hindi parang pagsubo ng mainit na kanin at kapag napaso ay ilalabas nalang. Sa madaling salita, hindi ito isang biro o laro. Sabi nga nila, "Think twice or more" dahil mas maganda ng pag-isipan mo ng mabuti kung may maganda ba itong maiidudulot o wala para sa huli, hindi ka magsisi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento