Ang mga kabataan ay may murang pag-iisip pa lamang kaya naman madali pa itong maimpluwensyahan ng kung ano-ano. At dahil na rin sa mga nakakatanda na nag-uudyok sa kanila para gawin ang isang bagay.
Sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga kabataan na naliligaw ng landas.
Bakit nga ba? narito ang mga sumusunod na dahilan:
Mga dahilan:
1. Kawalan ng pinansyal na suporta mula sa magulang.
Kung kaya naman ay mas pinipili na lamang na magtrabaho kahit wala pa sa tamang gulang.
2.Kawalan ng atensyon.
Kung kaya't marami ang mga kabataan na gumawaa ng kalokohan upang mapansin lang sila ng kanilang mga magulang.
3. Impluwensya ng barkada.
Marami na ang mga kabataan nggayon na naiimpluwensyahan ng barkada at sa kuryosidad sa mga bisyo.
4. Sobrang Istrikto ng magulang.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang nagrerebelde sa kanilang magulang.
5. Pananakit ng magulang.
Kaya naman ay maraming kabataan ang naglalayas at pumupunta sa kaibigan. Sa paraang ito, maaari siyang maimpluwesyahan.
6. Family Problem.
Kawalan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan na naging dahilan upang maligaw ng landas ang isang kabataan.
7. Broken Family.
Isa rin itong dahilan ng isang kabataan para maimpluwensyahan ng barkada, dahil sa hindi matanggap na hiwalay na ang magulang.
Sa mga nabasa mong dahilan, ito ang mga madalas na dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas. Walang kabataang maliligaw ng landas, kung pag-iisipan ito ng mabuti. Isipin muna kung may maganda ba itong maidudulot o wala. Dahil binigyan tayo ng Panginoon ng utak at inilagay ito sa parteng itaas ng ating katawan upang mag-isip at paganahin ito ng tama. Lahat tayo matatalino, at walang mang-mang na tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento