Miyerkules, Enero 18, 2017

Kabataang naliligaw ng Landas

  Bakit may mga kabataang naliligaw pa rin ng landas?


   Ang mga kabataan ay may murang pag-iisip pa lamang kaya naman madali pa itong maimpluwensyahan ng  kung ano-ano. At dahil na rin sa mga nakakatanda na nag-uudyok sa kanila para gawin ang isang bagay.

Sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga kabataan na naliligaw ng landas.
Bakit nga ba? narito ang mga sumusunod na dahilan:

Mga dahilan:
1. Kawalan ng pinansyal na suporta mula sa magulang.
    Kung kaya naman ay mas pinipili na lamang na magtrabaho kahit wala pa sa tamang gulang.
2.Kawalan ng atensyon.
     Kung kaya't marami ang mga  kabataan na gumawaa ng kalokohan upang mapansin lang sila ng kanilang mga magulang.
3. Impluwensya ng barkada.
     Marami na ang mga kabataan nggayon na naiimpluwensyahan ng barkada at sa kuryosidad sa mga bisyo.
4. Sobrang Istrikto ng magulang.
    Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang nagrerebelde sa kanilang magulang.
5. Pananakit ng magulang.
     Kaya naman ay maraming kabataan ang naglalayas at pumupunta sa kaibigan. Sa paraang ito, maaari siyang maimpluwesyahan.
6. Family Problem.
    Kawalan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan na naging dahilan upang maligaw ng landas ang isang kabataan.
7. Broken Family.
    Isa rin itong dahilan ng isang kabataan para maimpluwensyahan ng barkada, dahil sa hindi matanggap na hiwalay na ang magulang.

  Sa mga nabasa mong dahilan, ito ang mga madalas na dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas. Walang kabataang maliligaw ng landas, kung pag-iisipan ito ng mabuti. Isipin muna kung may maganda ba itong maidudulot o wala. Dahil binigyan tayo ng Panginoon ng utak at inilagay ito sa parteng itaas ng ating katawan upang mag-isip at paganahin ito ng tama. Lahat tayo matatalino, at walang mang-mang na tao.

Martes, Enero 17, 2017

High School Life

High school ay isang hakbang
 patungong kaunlaran,
sagot sa kahirapan,
 para sa kinabukasan.

 Iba't-ibang emosyon,
ang 'yong mararanasan
 sa halip, ito'y tago
at 'kaw lang ang may alam.

Maraming kaibigan,
 madalas kaplastikan
totoong kaibigan,
 ilan lang natagpuan.

 Sa paglipas ng araw,
magbabago ang lahat
 magagandang ala-ala,
ang sati'y maiiwan.

Lunes, Enero 16, 2017

Paraan Upang Maiwasan ang Pag-aasawa ng Wala sa Oras

  Sa panahon ngayon, masasabi nating marami na ang mga nakikipag-asawa sa murang edad at hindi ito naaayon sa mga matatanda. Ang pag-aasawa ay isang hudyat na kung saan handa ka ng humawak ng mas malaking responsibilidad.

 Mga paraan upang maiwasan ang maagang pag-aasawa:
1. Gumawa ng isang talaan ng mga plano sa buhay.
2. Ituon lamang ang pansin sa pangarap.
3. Kung mayroon ka mang kasintahan, kausapin mo ito at magkwento ka tungkol sa mga plano mo sa buhay nang sa gayon ay maiwaksi sa kaniyang isipan ang tungkol sa pag-aasawa ng maaga o pagtatanan kung ito man ang kaniyang iniisip.
4. Magtanong o makipagkwentuhan sa magulang tungkol sa pag-aasawa upang magkaroon ng ideya sa pag-aasawa na hindi ito madali.
5. Isipin mo ang mga posibilidad na pwedeng kahihinatnan ng pag-aasawa ng wala sa oras nang sa gayon, maaga pa lamang ay mamulat ka na.

  Ang pag-aasawa ay hindi madali tulad ng iniisip ng iba. Hindi rin ito puro pasarap lamang kundi, ito ay may kaakibat na hirap. Ang pag-aasawa ay hindi parang pagsubo ng mainit na kanin at kapag napaso ay ilalabas nalang. Sa madaling salita, hindi ito isang biro o laro. Sabi nga nila, "Think twice or more" dahil mas maganda ng pag-isipan mo ng mabuti kung may maganda ba itong maiidudulot o wala para sa huli, hindi ka magsisi.